-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Posebling hindi na dagsain pa ng tao ang taonang Hanami viewing sa Japan sa nalalapit na winter dahil sa takot ng COVID 19.

Ito ang sinabi ni International Correspondent Maira Bedaño Isikawa na taga Sto Niño, Apopong na residente na ng Shizuoka, Japan.

Ayon kay Isikawa na kahit maginaw ngayon sa Japan subalit balot na ng takot matapos nag panic buying na sa Aiwa prefecture matapos pinagbawalan ng gobyerno ang anu mang pagtitipon habang nalalapit na ang spring.

Pinagdudahan na ang pagdami ng kaso ng COVID 19 sa Japan dahil sa pagdaong sa Yokohama ng Diamond Princess at ibinaba ang mga sakay at dinala sa ibat-ibang pagamutan habang ang iba naman pumunta sa mga grocery na pinagdudahang pinagmulan ng virus.

Isa rin sa pinagdudahan na nagpadami sa virus ng kinuha ng kanilang bansa ang mga hapones duon sa Wuhan na posebling pinagmulan ng coronavirus.

Dagdag pa nito na wala namang balita sa Japan na may medical officers na nadala sa quaratine matapos tinamaan ng virus.