-- Advertisements --
Nakulangan ang Hamas sa ipinasang resolusyon ng United Nations na nananawagan ng pagpapalawig ng humanitarian aide at ang tigil putukan.
Ayon sa Hamas na ang resolution aniya ay kulang na hakbang para masolusyunan ang kaguluhan sa Gaza.
HIndi aniya nito naaabot ang requirements ng catastrophic situations na kagagawan ng Israel.
Magugunitang makailang ulit ng nanawagan ang Hamas sa Israel na tapusin na nito ang ginagawang military operations sa Gaza.