-- Advertisements --
Kinondina ng Hamas ang pag-apruba ng US House of Representatives ng $26-bilyon foreign aid package sa Israel.
Ayon sa Hamas na ang nasabing hakbang na ito ng US ay isang paglabag sa lahat ng international at humanitarian laws.
Nagpapatunay din na tila kinokonsinti pa ng US ang ginagawang genocide ng Israel sa Gaza na ikinasawi na ng maraming inosenteng biktima.
Una rito ay ipinasa ng US House of Representatives ang Israel Security Supplemental Appropriations Act sa botong 366-58.