-- Advertisements --

Nasa Cairo, Egypt na ang delegasyon ng Hamas para sa panibagong ceasefire talks.

Iminungkahi ng militant groups ang pagpapakawala ng mga bihag kapalit ang mga Palestinong nakakulong sa Israel ganun din ang malawakang humanitarian effort.

Ang nasabing pagbisita ay isang araw matapos ang pahayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi sila tatalima sa anumang panukalang kasunduan na iminumungkahi ng mga Hamas.

Ang nasabing mga panibagong ceasefire talks ay isinusulong ng Qatar, Egypt at US.