Iniulat ng National Electrification Administration (NEA) ang pagpapalabas nito ng P846.71 million na halaga ng pautang.
Ito ay para sa 22 na electric cooperatives sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Sa datus ng NEA – Accounting Management and Guarantee Department, nasa P372million ang nautang ng hanggang 7 electric cooperative sa bansa upang gamitin bilang working capital.
Ang natitirang P411.86 million ay nagamit ng hanggang 16 na kooperatiba sa bansa bilang capital expenditure loans.
Ilan sa mga kooperatiba ay kinailangang mangutang upang gamitin sa ibat ibang kadahilanan, katulad ng pagbili ng mga generator sets, short term facilities loan, at iba pa.
Sa kasalukuyan, ang NEA ay nagbibigay ng pautang sa mga electric cooperatives sa buong bansa upang matulungan ang mga ito na mapagbuti ang kanilang serbisyo sa power sekto para sa kanilang mga konsyumer.