-- Advertisements --

Inilabas na raw ng Department of Budget and Management (DBM) ang P7.92 billion na pondo para sa allowance ng mga healthcare workers at iba pang personnel na kasali sa pandemic response ng pamahalaan.

Ayon sa DBM, kasali sa pinakahuling release sa Department of Health (DOH) an allowane ng 526,727 public at private healthcare workers at non healthcare workers.

Kinabibilangan nito ang P4.5 billion na benefits ng 100,313 plantilla workers ng DoH in public hospitals, offices at rehabilitation centers kasama na ang military at state university hospitals.

Ang natitirang P3.42 billion ay para naman sa 426,414 health workers na nakadestino sa mga local government units at private health facilities.

Ang mga health workers na kinilalang high risk ay mabibigyan ng P9,000 kada buwan at ang mga medium risk ay makakakuha naman ng P6,000, habang ang low risk ay makatatanggap ng P3,000.

Kung maalala, noong 2021 ay mayroong mga nagrereklamong mga healthcare workers na hindi pa raw nakatatanggap ng kanilang mga allowances sa kalagitnaan ng pandemic.

Ito ang naging dahilan ng serye ng kilos protesta ng mga healthcare workers sa harap ng DoH main office sa Manila.

Noong Agosto 2021 nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ire-realign daw nila ang savings ng kagawaran para sa risk allowances.