-- Advertisements --
Nakatakdang sirain ng Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) ang halos ₱6-B halaga ng iligal na droga na una nitong nasabat sa mga ikinasang operasyon.
Batay sa datus ng PDEA, ito ay maykabuuang halaga na P5,968,744,462.00.
Kinabibilangan na ito ng 274 kilo ng droga na unang nasabat sa Manila International Container Terminal Port.
Maging ang malaking bulto ng iligal na droga na nasabat sa Mabalacat, Pampanga na may kabuuang volume na 208 kg ay isasama rin sa malaking bulto.
Batay sa proseso ng PDEA, dadalhin ang mga naturang kontrabando sa waste management facillity nito sa Trece Martirez City, Cavite at dito sisirain ang mga naturang kontrabando.