-- Advertisements --
bfar fishing equipments

Aabot sa Php4.95 million na halaga ng mga livelihood equipments ang ipinamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga kababayan nating mga mangingisda sa Pag-asa Island.

Ayon kay BFAR National Director Demosthenes Escoto, kabilang sa kanilang ipinamahagi ay 10 fiberglass fishing boats, generator sets, assorted fishing gear tulad ng fish stalls, fish containers, plastic floaters, twines, lead sinkers, at deep sea payao, at gayundin ng mga post-harvest equipment.

Ang naturang kagamitan ay inihatid sa isla sa tulong na rin ng Philippine Coast Guard sa pamamagitan ng BRP Francisco Dagohoy, at isang multi-mission offshore civilian patrol vessel.

Bukod dito, ay magsasagawa din ng proper training ang mga tauhan ng DA-BFAR sa tamang paghawak ng isda, good manufacturing practices, at sanitation standards upang matulungan ang fishing community sa Pag-asa Island na pakikinabangan din ng Kalayaan Palawan Farmers and Fisherfolks Association at Spratlys Strong and Brave Women Association.

Kaugnay nito ay binahagi rin ni Director Escoto na tumitingin ngayon ang Bureau ng karagdagang livelihood input para sa mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea at mga katabing lugar nito upang mas mapalakas ang produksyon sa naturang isla.