-- Advertisements --

Pumalo na sa halos P400 million halaga ng tulong ang naibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang apektado ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Nakasaad sa Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) report na kabuuang P376,590,425 halaga ng tulong na ang kanilang naipamahagi.

Mahigit P31 million sa naturang halaga ay nagmula sa DSWD, mahigit P300 milllion ang nanggaling sa local government units, nasa P1.5 million ang mula sa NGOs, at humigit kumulang P902,000 naman mula sa private sector.

Hanggang nitong araw, Marso 26, 86,237 family food packs na ang naipamigay ng DSWD sa mga Pilipinong apektado ng enhanced community quarantine.

Sa naturang bilang, 40,000 ang ipinamigay sa National Capital Region.

Marso 17 nang isinailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon dahil sa sustained community transmission ng COVID-19.

Dahil dito, mahigpit na ipinapatupad ang hime quarantine sa lahat ng bahay, supendido ang lahat ng transportasyon pati na rin ang trabaho,