-- Advertisements --
cropped gas station oil price hike petron shell 2

Malakihang tapyas sa presyo ng produktong petrolyo ang asahan sa Martes.

Ayon sa mga energy sources, tinatayang papalo sa P2.50 hanggang P2.70 ang bawas sa kada litro ng gasolina at P2.70 hanggang P2.80 naman sa kada litro ng diesel.

Maging ang kerosene ay mayroon ding malakihang rollback na P2.70 hanggang P2.80.

Karaniwang inaanunsiyo ang oil price adjsutment sa araw ng Lunes at ipinatutupad kinabukasan o sa araw ng Martes.

Samantala, ngayong araw ay magpapatuapd na ng rollback ang Cleanfuel sa kanilang AutoLPG epektibo alas-8:01ngayong umaga.

Ang rollback ng kada litro ng AutoLPG ay P2.70.