Halos P18M na ilegal na droga ang nasabat sa magkahiwalay na drug-bust operation sa Cebu
Unread post by bombocebu » Mon Aug 15, 2022 1:30 am
CEBU – Nakumpiska ng pulisya sa Cebu ang halos P18 milyong halaga ng iligal na droga sa magkahiwalay na drug-bust operation noong Sabado, Agosto 13.
Sa Mandaue, nakumpiska ng pulisya ng lungsod ang kabuuang P10.5 milyon na iligal na droga sa dalawang buy-bust operation noong Sabado ng madaling araw, ayon sa pahayag ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7).
Inaresto rin ng mga opisyal ng City Drug Enforcement Unit ng Mandaue City Police Office ang dalawang suspek, kung saan ang isa ay napaulat na ‘high-valued’ drug peddler.
Isinagawa ang unang buy-bust operation sa Brgy. Cabancalan dakong 1:35 ng madaling araw kung saan nakumpiska ng mga alagad ng batas ang 1.5 kilo ng shabu mula sa isang suspek na kinilalang si John Alex Villaraz.
Makalipas ang halos dalawang oras, inaresto ng parehong anti-narcotics group ng Mandaue City Police ang isang matanda sa Brgy. Tipolo dahil sa pagkakaroon ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.
Kinilala ang suspek na si Danilo Bauri Canillo, 60, at residente ng Brgy. Basak San Nicolas sa Cebu City.
Sa gawing timog, sa Toledo City, nagsagawa rin ng buy-bust operation ang mga pulis doon na nakakuha ng P7.5 milyong halaga ng iligal na droga.
Sinabi ng Toledo City Police Station, sa isang hiwalay na press release, na inaresto ng mga intelligence operatives ng city police ang isang Raffy Hermona, ‘high value target’, sa isang drug-bust pasado alas-3 ng umaga noong Sabado.
Makalipas ang ilang oras, naaresto rin ng parehong pulis sa Toledo City ang tatlo pang drug suspect at nakumpiska ang P2,448.00 halaga ng iligal na droga.