
Pinangunahan ni Southern Police District (SPD) Director PBGen. Jimili Macaraeg ang seremonial destruction ng nasa mahigit P170,000.00 halaga ng mga iligal na paputok na nakumpiska ng pulisya nuong pasko at bagong taon.
Isinagawa kanina ang pagwasak sa mga nakumpiskang illegal firecrackers SPD Grandstand Lawton Avenue, Fort Bonifacio Taguig City kaninang alas-9:00 ng umaga.
Sinabi ni Jimili, nasa kabuuang 20,931 firecrackers ang nakumpiska na nagkakahalaga ng mahigit P170,000.00 dahil sa paglabag sa Republic Act 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic devices) and Violation of Ordinance No. 14-092 (Selling of Firecrackers).
Ayon sa Heneral ang mga nakumpiskang illegal firecrackers ay resulta ng kanilang joint effort ng lahat ng SPD Police stations at pinalakas na kampanya laban sa illegal sale and use of firecrackers.
Nasa 10 firecracker incidents ang naitala ng SPO mula December 29,2021 hanggang January 2,2022.










