-- Advertisements --

LAOAG CITY – Aabot sa P811,000 ang halaga ng mga nasira matapos masunog ang bahay na pagmamay-ari ng pamilya Javier sa Barangay Nangalisan-B ditoy dito sa lungsod ng Laoag.

Ito ang inihaya ni Fire Senior Inspector Ronald Castillo, ang firemarshall sa Bureau of Fire Protection dito sa lungsod.

Ayon kay Castillo, sa kanilang isinagawang imbestigasyon, dati na umanong nagpaparenta ang pamilya Javier ng mga computer na kasama sa mga nasunog kayat umabot sa malaking halaga ang danyos nito.

Sinabi pa nito na nagsimula ang apoy sa altar sa loob ng bahay at nadiskubre na ang mga kable ng kuryente nito ay nasunog.

Inihayag pa nito na maliban dito ay nadiskubre pay na ang fuse box sa bahay ay naka-jamper.

Samantala, wala namang nasugatan sa nangyaring sunog.