CAUAYAN CITY- Tinatayang nasa halos P1-bilyong ang naitalang pinsala sa sector ng agrikultura dahil sa ulan na dulot ng bagyong Pepito mula sa 22 munisipyo sa Isabela
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Retired Gen. Jimmy Rivera, sinabi niya na batay sa assessment ng Office of the Provincial Agriculturist na bagamat hindi direktang naapektuhan ng Bagyong Pepito ang lalawigan ay nakaranas naman ng sobra sobrang ulan na dulot ng bagyo.
Pangunahing naapektuhan ng sobrang ulan ang mga high value crops, livelihood, fisheries, palay at mais na nagkakahalaga ng P953,778, 583.00.
Samantala, minor damage lamang ang naitala sa sektor ng imprastraktura sa bahagi ng Benito Siliven at San Mariano, Iisabela pangunahin na sa sitio Barikir at ilang barangay road sa bahagi ng San Pablo, Isabela na nasira ng tubig baha.
Maliban dito nanatiling hindi pa rin madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang Alicaocao overflow bridge, Gucab overflow bridge, Cabagan-Sta. Maria overflow bridge, Cansan-Bagutari overflow bridge,Baculod overflow bridge at turod Bangkero overflow bridge.