Iniulat ng National Telecommunication Commission (NTC) halos lahat ng aktibong SIM users ay nakapag rehistro na ng kanilang sim cards bago ang itinakdang deadline sa Hulyo 25.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, halos lahat ng itinuturing na revenue-generating SIM users ay nakapagtala na.
Sa data noong Hulyo 6, umabot na sa 102,062,000 Sim cards ang naka rehistro sa NTC na katumbas ito ng 60.75% ng kabuuang sim users sa bansa aktibo man o hindi.
Sa Dito telecommunity, aabot sa 7 million users na ng nakapagrehistro ng kanilang sim cards.
Sa globe naman, nasa kabuuang 46 million na habang sa smart ay umaabot na sa mahigit 48 million ang nakapagrehistro.
Muli namang nagpaalala ang mga telecommunication companies sa puliko na magpatala na ng kanilang SIM cards bago ang napipintong deadline para maiwasang maabala na magproseso sa recovery ng mga data maging ang e-money kapag awtomatikong na-deactivate ang sim card oras na magpaso na ang deadline.