-- Advertisements --

Mahigit 800 ang mga bagong nadagdag na nadapuan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos na iulat ng Department of Health (DOH) ng 889 na karagdagang kaso ng coronavirus.

Sinasabing ito na ang pinakamataas na bilang sa nakalipas na isang buwan.

Bahagya rin namang tumaas ang active cases na nasa 10,418.

Sa ngayon ang COVID-19 cases sa bansa mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,839,790.

Mayroon namang bagong gumaling na nasa 214.

Ang mga nakarekober sa bansa ay umaabot na sa 2,778,131.

Meron namang mga nadagdag sa listahan na 28 na mga pumanaw.

Ang death toll sa bansa ay nasa 51,241.

Samantala, nasa isang laboratoryo lamang ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) sa DOH.

Kaugnay nito, patuloy ang paalala ng DOH na sa lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

“Bagkus, dapat daw ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield kung maaari, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad rin na magpabakuna kung wala pa upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.”