Umabot ng halos walong libong indigent residents ng Quezon City ang nakatanggap ng tulong-medikal sa isang linggong medical mission ng siyudad na pinangunahan ng Philippine Medical Society of Northeast Florida Inc. katuwang ang lokal na gobyerno ng Quezon City.
Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong-medikal ay ang isang libong pasyenteng inoperahan sa katarata sa Loyola Heights Covered Court.
Bukod dito, isinagawa rin ang abdominal surgery, circumcision, vasectomy, goiter, cleft lip and palate, at iba pang operasyon.
Nagpaabot naman ng pasasalamt si Mayor Joy Belmonte sa mga doktor, nurse, dentista, at iba pang health care workers.
Ibinahagi rin nito na mahigit 14 million pesos ang inilaan ng Philippine Medical Society of Northeast Florida Inc. para sa iba’t ibang medical equipment, supplies, at gamot na ginamit para sa medical mission.