-- Advertisements --
Department of Health pinangunahan ang paglulunsad ng Primary Care Day sa bayan ng Manaoag Pangasinan

Target ng Department of Health na maitatag ang halos 7,000 primary care facilities sa Pilipinas sa taong 2040.

Nasa mahigit 3,800 primary health care facilities ang naitatag na sa ngayon sa iba’t ibang parte ng bansa kung saan karamihan dito ay public facilities.

Subalit inamin ni Health officer in charge Maria Rosario Vergeire na marami pa ang dapat na gawin para makamit ang target.

Aniya, ang bawat pasilidad kasi ay dapat na accredited ng Philhealth kung saan nasa kabuuang 259 mula sa 3,800 primary care facilities ang accredited sa ngayon.

Kaya’t malaking bilang pa aniya ang kailangang ma-acredit sa Philhealth upang sagayon ay makapaghatid ng libreng serbisyo sa ating mga kababayan.

UNa ng inihayag ng DOH na ang primary care ay isang mahalagang reporma ang primary care salig sa Universal Health Care Act.