NAGA CITY – Mahigit kalahating milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad mula sa dalawang suspek kasama ang isang menor de edad sa isinagawang buy bust operation sa Naga City.
Kinilala ang suspek na si Bryan Castillo, 35 at isang 17 na lalaki.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na nasa 100 grams ang timbang ng pinaniniwalaang shabu na nakuha mula sa mga suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na tinatayang nasa P680,000 ang kabuuang halaga ng nasabing iligal na droga.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karmpatang disposisyon habang nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.