Halos 70 na ang naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng matinding pagbaha sa Germany at Belgium.
Sa naturang bilang, 11 ang namatay sa Belgium at marami pa ang naiulat na nawawala habang karamihan sa casualties naitala sa Germany.
Malubhang nasalanta ng pagbaha ang ilang estado sa Germany kabilang ang Rhineland-Palatinate at North Rhine-Westphalia gayundin sa the Netherlands.
Sa Germany, nagpadala na ng mga police helicopters at daan-daang mga sundalo sa mga apektadong lugar upang irescue ang mga nastranded na mga residente na nasa bubungan ng kanilang bahay.
Ilang paaralan na rin sa may west Germany ang isinara habang ilang kalsadahan naman ang nasira.
Aabot sa 25 kabahayan ang nanganganib sa pagguho ng lupa sa district ng Schuld bei Adenau na nasa bulubunduking rehiyon ng Eifel na isinailalim na rin sa state of emergency.










