-- Advertisements --

Nasa 6,768 na ang mga tauhan ng PNP na nabakunahan.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to Covid 19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, para sa unang turok, 5,085 sa mga ito ang tumanggap ng Sinovac vaccine, 1,679 ang Astrazeneca, 3 ang Moderna, at isa ang Pfizer.

Nakatanggap na rin ng pangalawang turok ng Sinovac ang 1,500 nilang tauhan, at isa ang Pfizer.

Samantala, iniulat ni Eleazar na tuloy tuloy ang pagsasagawa ng RT-PCR test sa kanilang mga tauhan alinsunod sa utos ni PNP Chief PGen. Debold Sinas para ma-detect at maagapan ang mga kaso ng Covid 19 sa kanilang hanay.

Sa ngayon ay nakapag RT-PCR test na ang 98.5 porsyento ng mga tauhan sa National Headquarters; 89.2 porsyento ng mga naka assign sa National Administrative Support Units; 79.2 porsyento ng nasa National Operational Support Units; at 55 porsyento ng mga nasa Police Regional Offices.