-- Advertisements --
image 166

Kabuuang 582 katao ang sumailalim sa Death Penalty sa Iran noong 2022. Ito ay mas mataas ng hanggang 75% kumpara sa nakalipas na mga taon.

Ayon sa grupong Iran Human Rights, ang nasabing bilang ang pinakamataas nang naitalang executions simula noong 2015.

544 sa mga ito ay yaong mga taong inakusahan ng kasong murder at drug-related cases.

Ayon pa rin sa nasabing grupo, 90% sa naturang executions ay hindi na ipinalabas sa media at ginawa na lamang na pasikreto.

Ang pagtaas ng bilang ng mga nasabing executions ay bahagi umano ng pagnanais ng pamahalaan ng Iran na makapagpakalat ng takot at pangamba sa mga tao, upang mapigilan silang makapagprotesta ukol sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan.

Batay sa opisyal na record ng kaso ng mga sumailalim sa execution, ilan sa mga naging kasalanan ng mga ito ay ang umano’y ‘War against God’, ‘corruption on Earth’, ‘enmity against God’, at iba pang gawa-gawang kaso.