-- Advertisements --
karding evacuation center

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw na nasa 58,944 kabahayan ang naitalang napinsala sa limang mga rehiyon sa bansa matapos ang pananalasa ng supertyphoon Karding.

Nasa 51,600 dito ang bahagyang napinsala habang nasa 7,344 kabahayan naman ang totally damaged.

Ang mga kabahayan na napinsala ay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Kaugnay nito, apektado hanggang sa ngayon ang nasa 299,127 pamilya o 1,072,282 indibidwal sa 1,915 barangays sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at sa CAR.

Sa ulat din ng NDRRMC, tanging nasa 806 pamilya o 3,044 indibidwal na lamang ang nananatili sa 25 evacuation centers sa mga sinalanta ng bagyo kung saan ang iba ay pansamantala munang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan at ang iba naman ay nakauwi na sa kanilang mga bahay.

Ayon sa NDRRMC, nananatili pa rin sa 12 katao ang nasawi habang lima ang nawawala pa at 52 ang nasugatan dahil sa nagdaang bagyo.