Binawi na ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 457 na mga police escorts sa lahat ng mga local officials mula sa barangay officials hanggang sa senador na nagsimula nitong Linggo, Enero 13.

Ang pag-recall sa mga police escorts ay bahagi na ng routine sa tuwing may halalan na naglalayon para maiwasan na mapasama sa isyung pulitika ang mga pulis.

Pinare-report sa national headquarters ng Police Security Protection Group (PSPG) sa Kampo Crame ang mga nasabing police escort.

Ayon kay PSPG Director C/Supt. Filmore Escobal, maaari pa naman mag-apply ng security escort ang mga pulitikong may banta sa kanilang buhay.

Pero kailangan aprubado ito ng Commission on Election (Comelec).

Automatic namang exempted sa security recall ang pangulo; pangalawang pangulo; Senate president; House speaker; punong mahistrado; at ilan pang mga matataas na opisyal ng pamahalaan.