LAOAG CITY – Nagprotesta ang mga Pilipino sa loob ng Honolulu International Airport sa Hawaii.

Sa report ni Bombo International Correspondent Manny Pascua, umabot sa 500 Pilipino ang nagprotesta sa nasabing lugar.

Sinabi niya na empleyado ng mga fastfood at restaurant ang mga nagprotestang Pilipino dahil sa mababang sweldo at hindi magandang benepisyo sa medical.

Magtatagal ang protesta ng mga Pilipino sa airpot ng tatlong araw mula Biernes hanggang sa Linggo, oras sa Hawaii.

Dagdag ni Pascua na pinayuhan ng management ng airport ang mga pasahero na magbaon ng sariling pagkain dahil sarado ang mga fastfood at restaurant na malapit sa nasabing lugar.