-- Advertisements --

Mahigit 460 pamilya ang inilikas matapos ang naganap na isang chemical spill sa Bauan, Batangas

Ayon sa mga awtoridad, ilan sa mga apektadong indibidwal ang nakaranas ng pagsusuka at pananakit ng lalamunan sa gitna ng masangsang na amoy sa lugar.

Tinukoy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang chemical bilang solvent, na kadalasang ginagamit sa paggawa ng pintura.

Ang kemikal ay naiulat na tumagas ay mula sa isang storage facility.

Ayon kay Bauan Coast Guard Substation commander Jun Layosa, nannggaling aniya ang chemical sa isang tank farm sa nasabing lugar.

Ayon sa pamunuan ng storage facility, ang solvent ay tumagas mula sa isang tangke na may hindi wastong selyadong butas.

Nakataas din ang barrier sa depot, dahilan para tumapon ang kemikal sa dagat.

Una na rito, ayon sa mga awtoridad, humigit-kumulang 200 liters ng mga kemikal ang natapon sa karagatan sa naturang lugar.