-- Advertisements --

Mayroong 4.8 milyon na international tourist ang target ng Department of Tourism (DOT) na bibisita sa bansa sa 2023.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, magiging madaling maabot ang nasabing bilang lalo na at nagluwag na ang bansa sa ipinapatupad na health protocols.

Base sa kanilang datus kasi ay nalampasan na ng DoT ang target na turistang bibisita ngayong taon.

Mayroon lamang 1.7 milyon ang kanlang target ngayong taon subalit umabot na ito sa 2.46 milyon ito ngayong.

Nanguna ang mga turista na galing sa US na mayroong mahigit 461,000 na turista ang bumisita na sinundan ng South Koreans na mayroong 387,000.