-- Advertisements --

Nasa halos 5,000 flights ang nakansela habang mahigit 3,000 naman ang naantala dahil sa nararanasang winter storm sa US.

Mahigit 60 percent ng mga nakanselang flights ay mula sa Southwest Airlines na aabot sa 2,500 flights ang naantala.

Dahil dito ay maraming mga pasahero ang minabuting manatili sa mga paliparan.

Nabahala na rin ang US Department of Transportation (DOT) dahil sa dami ng mga flights na nakansela at tinitignan nila kung pananagutin ang mga airline companies.

Gumagawa na rin paraan si US President Joe Biden para matiyak na managot ang mga airline companies.

Aabot naman sa 52 katao ang nasawi dahil sa winter storm sa buong US.

Nabalot naman ng mahigit 50 pulgada ng yelo ang Bufallo, New York.