Umaabot na sa halos 4,000 o 3,980 ang kaso ng Cholera na naitala sa buong Pilipinas mula noong buwan ng Enero ng kasalukuyang taon ayon sa Department of Health (DOH).
Ito ay 270% na mas mataas kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong period noong 2021 na nakapagtala lamang ng 1,077 kaso.
Karamihan sa mga kaso ng cholera na naitala ay sa Eastern Visayas na may 2,678 cases, sinundan ng Davao region ( 441), at Caraga (289 cases).
Sa kasamaang palad, sa datos ng DOH may 37 katao ang nasawi mula noong Enero dahil sa cholera kung saan pinakamarami noong buwan ng Agosto na siyam ang nasawi.
Kayat, nagpaalala ang DOH sa publiko na siguraduhing ligtas at malinis ang pinagkukunan ng tubig at makakain.
Ang Cholera ay isang acute diarrheal illness na resulta ng impeksyon sa intestine kung saan maaaring magkasakit ang isang indibidwal kapag nakakain o nakainom ng kontaminadong tubig pagkain na may cholera bacteria.
-- Advertisements --