-- Advertisements --
ROXAS BAHA

Halos 450 na mga klase sa mga paaralan sa ilang rehiyon sa bansa ang nananatiling suspendido pa rin nang dahil sa mga nagdaang bagyo at epekto ng hanging Habagat sa Pilipinas.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 448 na mga pasok pa rin sa mga eskwelahan ang kanselado sa Ilocos Region (Region 1), Cagayan Valley (Region 2), Central Luzon (Region 3), CALABARZON (Region 4A), MIMAROPA (Region 4B), Bicol Region (Region 5), Western Visayas (Region 6), Eastern Visayas (Region 8), CAR, NCR.

Bukod dito ay iniulat din ng ahensya na mayroon ding 355 na mga government offices ang sinuspinde rin ang pasok nang dahil pa rin sa kaparehong dahilan.

Samantala, sa ngayon ay nasa 781,728 na mga pamilya o nasa mahigit 2.9 million na mga indibidwal naman ang naitalang apektado ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo at hanging Habagat sa bansa mula sa 4,848 na mga barangay sa naturang mga rehiyon.