-- Advertisements --
TOKYO, Japan – Kasalukuyang nasusunog ang isang eroplano ng Japan Airlines habang nasa runway ng Haneda airport sa Tokyo.
Nagsimula ang apoy nitong Martes ng gabi lamang.
Sa kasalukuyan, nailikas na ang 379 na pasahero at crew ng eroplano.
Pero lumalabas sa imbestigasyon na nakasalpukan nito ang isang Japan Coast Guard plane.
Hindi pa rin natatagpuan ang limang tauhan ng JCG na lulan nito.
Nasa Haneda umano ang mga ito para sa rescue aid dahil sa 7.5 magnitude na lindol.