-- Advertisements --
Comelec building 2022 05 26 01 04 03

Mahigit sa isang daang lugar sa buong bansa ang idineklara bilang “hotspots” isang linggo ang layo mula sa Okt. 30 barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang isang listahan na nagsasaad ng kabuuang 361 na lugar sa ilalim ng “red category”.

Ang mga lugar ay classfied as “red” kung may mga pangyayari ng pinaghihinalaang mga insidente na may kaugnayan sa halalan, mga banta sa seguridad na dulot ng mga teroristang grupo o partisan armed group na pinagtatrabahuhan ng mga kandidato o kung ang lugar ay idineklara sa ilalim ng Comelec control.

Batay sa datos ng Comelec, 119 barangay ang nadagdag sa 242 barangay na dating nakalista sa ilalim ng kategorya.

Tanging ang Negros Oriental lamang ang nasa ilalim ng Comelec control dahil sa security-related concerns at ang pagpaslang kay governor Roel Degamo noong Marso 4.

Una na rito, sinabi ni Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns head commissioner Aimee Ferolino na habang papalapit ang halalan, inaasahan ang pagtaas ng bilang ng mga hotspots.