-- Advertisements --

Inaalam pa sa ngayon ang sanhi ng pagkaka-ospital ng mahigit trainees ng Bureau of Customs (BoC) na magsisilbing customs police.

Aabot sa 38 na biktima ng nangyaring food poisoning ang isinugod sa ospital.

Sa inisyal na resulta ng report mula sa enforcement group ng BoC, isinugod sa Gat Andres Bonifacatio Memorial Center sa Delpan Tondo, Maynila ang mga biktima ng food poisoning.

Hinihintay pa ngayon ng BoC ang magiging resulta ng pagsusuri ng mga doktor at ng City Health Department.