-- Advertisements --
Pumalo na sa 38 na katao ang namatay habang 300 naman ang sugatan matapos ang chemical explosion sa isang shipping container depot sa Bangladesh.
Posible umanong madagdagan pa ang bilang ng mga namatay dahil mahigit 300 na sugatan ang nasa malalang kondisyon.
Sinabi ng mga volunteers na marami ring naiwan pa sa loob ng naturang depot.
Nasa 4,000 na containers umano ang laman ng depot at karamihan ay mga garments na ipapadala sa mga Western retailers.
Sinabi ni Mujibur Rahman, director ng B.M. Container Depot nasa 600 daw na manggagawa ang nag-o-operate sa pasilidad.
Patuloy namang inaalam ang sanhi ng sunog.