-- Advertisements --

SAN REMIGIO, CEBU – Naharang ng mga sakop ng coast guard ang isang truck na may kargang 37 baboy noong Lunes, Nobyember 14 sa bayan ng San Remigio Cebu.

Nagmula pa ang mga live hogs na ito sa lugar na may kumpirmadong kaso ng African Swine Fever (ASF).

Sa kasalukuyan kasi ay patuloy pang ipinagbabawal ng lalawigan ang pagpasok o pagdala ng mga live hogs, pork products at byproducts mula sa ASF-ffected areas mapalokal man o sa abroad.

Una rito, napansin pa umano na nakasakay sa isang malaking pump boat ang mga baboy na naharang mula sa bayan ng Esperanza sa Masbate.

Dumaong ang pump boat sa Barangay Bancasan sa bayan ng San Remigio kung saan dapat idiskarga ang mga hayop pero agad din namang inalerto ang mga miyembro ng ASF provincial task force na nagresulta sa pagkakasamsam sa mga hayop.

Agad namang isinailalim sa culling ang mga hayop bilang pag-iingat upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng ASF virus.