Umabot na halos 360 na mga indibidwal ang arestado ng pambansang pulisya nang dahil sa paglabag sa ipinatupad na liquor ban na ipinatupad sa bansa.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng PNP, as of October 31, 2023 ng alas-12:00nn ay pumalo na sa kabuuang 358 ang bilang ng mga indibidwal na arestado ng kapulisan nang dahil sa paglabag sa naturang kautusan.
Nangunguna rito ay ang Eastern Visayas kung saan naaresto ang 63 katao mula sa apat na mga insidenteng namonitor ng kapulisan.
Sinundan ito ng NCR na mayroong nahuling 57 indibidwal, mula sa pitong insidenteng naita ng mga otoridad mula sa naturang lalawigan.
Pumapangatlo naman ang Central Visayas na mayroong 52 arestadong indibiwal; 49 sa Calabarzon; 37 sa Central Visayas; 26 sa Western Visayas; 21 sa Cagayan Valley; 19 sa Davao region; 11 sa Northern Mindanao; 9 sa Caraga; tig-5 sa Ilocos region at CAR; habang tatlo sa Bicol region, at at isa naman ang naitala sa Soccsargen.
Kung maaalala, batay sa pamantayang itinakda ng Commission on elections, ang liquor ban ay ipinatupad sa mula noong Oktubre 29, 2023 hanggang Oktubre 30, 2023.