-- Advertisements --

Umabot na sa kabuuang 3,457 na mangingisda ang nakapaghain ng kanilang compensation claims laban sa naging epekto ng oil spill na dulot ng MT Princess Empress

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, nagkakahalaga ang mga nasabing claims ng P114Million.

Inaasahan aniyang tataas pa ito habang patuloy na isinasapinal ng iba pang mangingisda ang kanilang ihahaing claims.

Maliban sa claims ng mga mangingisda, asahan din umano na maghahain din ng claims ang Philippine Coast Guard at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan na silang nagtulungan upang malinis ang mag kontaminadong karagatan.

Pebrero-28 ng kasalukuyang taon nang lumubot ang MT Princess Empress na may kargang 5,600 na bariles ng industrial fuel. Ang malaking volume na ito ay nagdulot ng malawakang oil spill sa mga karagatang sakop ng Oriental Mindoro, Palawan, Antique, at maging ang probinsya ng Batangas.

Samantalala, ang International Oil Pollution Compensation Funds, o IOPC Funds naman ang namamahala sa progreso ng compensation claims ng mga apektado residente. Ang nasabing grupo ay nakabase sa London, United Kingdom.