-- Advertisements --

Nasa halos 300 rockets ang pinakawalan ng Palestinian militants mula sa Gaza patungong Israel.

Natamaan nila ang nasa 50 targets na mula sa Islamist Jihad.

Nangyari ang insidente isang araw matapos ang ginawang airstrike ng Israeli military na ikinasawi ng tatlong lider ng Palestinian militant group at 10 ibang mga Palestinian kabilang mga babae at bata sa Gaza.

Ang Islamic Jihad na siyang pangalawang pinakamalaking militant group sa Gaza ay kinokontrol ng Hamas.

Pinaghahanda naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang mga opisyal ng Israel ng posibilidad para sa pag-atake sa Gaza.