-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naitala sa Isabela ngayong araw ang 29 na panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 7 sa mga bagong kaso ang mula sa Santiago City, 6 sa Ilagan City, tig-aapat sa Cauayan City at bayan ng Reina Mercedes, tig-dadalawa sa Cordon at Ramon habang tig-iisa sa mga bayan ng Cabagan, Delfin Albano, Cabatuan at Gamu.

Magandang balita naman dahil apatnapu’t isa ang naidagdag sa mga gumaling kaya apat na raan at walumpu’t isa na ang aktibong kaso sa Isabela.

Labing isa ang Returning Overseas Filipinos o ROF, 20 ang non-authorized persons outside residence, 44 ang Health Worker, 3 ang pulis at 403 ang mula sa local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan.