-- Advertisements --
image 155

Halos 28,000 barangay sa buong bansa ang ‘cleared’ na sa illegal mula nang magsimula ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Batay sa datos na inilabas ng PDEA, nasa kabuuang 27,903 mula sa 42,045 na barangay ang idineklarang drug-cleared noong Oktubre 2023.

Ang drug-clear status ay kasunod ng sertipikasyon ng mga miyembro ng oversight committee sa Barangay Drug-Clearing Program (BDCP).

Sa ilalim ng programa, pinangangasiwaan ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas ang mga pagsusumikap sa pagbawas ng suplay upang matugunan ang talamak na iligal na droga.

Sinabi ng PDEA na nasamsam ng mga awtoridad ang P30.10 bilyong halaga ng narcotics sa buong bansa simula ngayong buwan.

Ang kabuuang halaga ng nasamsam na narcotics ay kinabibilangan ng higit sa 4,000 kg. ng shabu, 47.80 kg. ng cocaine, 53,023 ecstasy tablets, at 2,974.12 kg. ng marijuana.

Sa parehong datos, 68,599 na suspek ang naaresto, kabilang ang 4,731 high-value target, sa 49,863 anti-illegal drugs operations mula Hulyo 1, 2022 hanggang Oktubre 31 ngayong taon.

Dagdag dito, binaklas ng mga awtoridad ang 781 drug den at isang clandestine shabu laboratory sa parehong panahon.

Una rito, pinuri ni Interior Secretary Benhur Abalos ang PDEA, Philippine National Police (PNP) at iba’t ibang drug enforcement units sa kanilang pagpupursige sa anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.