-- Advertisements --

CEBU – Lubhang nakaapekto sa mga mamimili at multinational companies ang patuloy na krisis ng asukal.

Dito sa Cebu, nagbanta rin ito sa posibilidad at operasyon ng pinakamatanda at nag-iisang sugar milling company sa lalawigan.

Kinumpirma ng mga lokal na opisyal ng bayan ng Medellin sa hilagang Cebu na hindi maganda ang takbo ng Bogo-Medellin Milling Company, Inc. (Bomedco) sa gitna ng kakulangan sa suplay ng asukal at pagtaas ng gastos na nararanasan sa lahat ng bahagi ng Pilipinas.

Iniulat na inalis ng Bomedco ang dose-dosenang mga empleyado nito, karamihan sa mga administrative staff at factory worker, nang sinuspinde nito ang operasyon nito sa pagitan ng Hulyo 15 hanggang Agosto 15.

Batay sa parehong ulat mula sa DSWD-7, natukoy nila ang hindi bababa sa 240 manggagawa na nasa isang ‘No Work, No Pay’ arrangement sa loob ng isang buwan.

Na syang ibinunyag rin Medellin Mayor Joven Mondigo na matagal nang problema ng mga miller ang limitadong operasyon ng BOMEDCO.

Sa katunayan, isang buwan nang walang operasyon sa nasabing mill, bagay na ikinababahala ng lokal na pamahalaan dahil malaki ang epekto nito sa buong lalawigan ng Cebu, pati na rin sa mga manggagawa ng naturang kompanya.

Batay dito, inimbitahan ng konseho ng bayan ng Medellin ang mga top executive ng BOMEDCO upang alamin kung ano ang kasalukuyang sitwasyon ng kompanya.

Ngunit sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo News team kay Medellin Vice-Mayor Juan Alfonso Lim, inamin nitong dismayado siya sa naging tugon ng mga opisyal ng kompanya.

Sa kadahilanan na hindi ito nagbigay ng tiyak o malinaw na sagot kung makakapag-operate ba uli ito bagamat mula sa panig ng kumpanya nakadepende pa ito sa bank lenders.

Dahil dito, wala ring malinaw na sagot na nakuha ang mga empleyado at parang nagbigay lang ito ng kislap ng pag-asa.