-- Advertisements --
image 305

Naghain na ng aplikasyon ang kabuuang 1,793 tauhan ng PNP para sa kanilang early retirement ngayong taon.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP na si Police Col. Jean Fajardo, posible pang tataas ang bilang ng mga ito dahil sa nangangalahati pa lamang ang kasalukuyang taon.

Ayon sa opisyal, posibleng dahil na rin sa pagkabahala sa pension ang dahilan ng mataas na bilang ng mga naghahangad na makapagretiro na mula sa serbisyo.

Maalalang nauna nang naging sentro ng talakayan ng mga economic managers sa bansa ang pag-oobliga sa mga miyembro ng unipormadong hanay na mag-contribute ng maliit na porsyento para sa kanilang pension na matatanggap kapag nagretiro na mula sa serbisyo.

Ang pinakahuling proposal mula sa Department of Finance ay ang kontribusyon ng mga ito ng hanggang sa 5% ng kanilang monthly salary.

Ayon sa Pambansang Pulisya, nagsasagawa na sila ng mga serye ng konsultasyon sa mga miyembro upang malaman ang hinaing ukol sa reporma sa pension scheme.

Noong nakaraang taon, umabot sa 2,449 na mga pulis ang nag-apply para maagang makapagretiro sa serbisyo.