-- Advertisements --

Personal na dinaluhan ni Cebu City Mayor Edgar Labella ang pamamahagi ng tig-P10,000 financial assistance sa mga medical workers ng pribadong ospital na naka-assign sa COVID-19 ward nitong lungsod ng Cebu.

Aabot sa 409 na mga health wokers mula sa Cebu Doctors University Hospital at 439 mula sa Chong Hua Hospital ang unang nakatanggap ng financial assistance mula sa City Government.

Kasabay nito, nagpapasalamat naman si Labella sa mga tulong at sakripisyo ng mga ito sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Halos 2,000 mga medical frontliners naman mula sa siyam na pribadong ospital ang tatanggap ng kabuuang P30,000 financial assistance mula sa buwan ng Agosto hanggang Oktubre.

Sa ngayon, para sa buwan ng Agosto muna ang kanilang matatanggap.

Ito na ang pinakaunang pagkakataon na nagbigay ang local government unit ng financial assistance sa mga medical health workers ng mga pribadong pagamutan.