-- Advertisements --
Nakarekober ang mga otoridad sa Ukraine ng nasa 200 bangkay sa isang gusali sa Mariupol.
Sinabi ni Petro Andriushenko ang adviser ni Mariupol Mayor Vadym Boichenko na nakita ang mga bangkay ng kanilang inaalis ang mga durog na bato mula sa high-rise building malapit sa suburban gas station.
Karamihan sa mga ito ay nakita sa basemant ng gusali at nasa advanced state of decomposition.
Nauna ng sinabi ng mga opisyal ng Ukraine na nasa mahigit 20,000 mga residente ng lungsod ang nasawi sa mahigit na tatlong buwang mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine.