-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Mahigpit na tinututukan ng City Health Office ang Makar Police Station sa Lungsod ng Heneral Santos matapos magpositibo sa Coronavirus Disease (COVID) ang 19 na bilanggo.
Ang lokal na gobyerno ng GenSan ang nagkumpirma base sa kanilang ipinalabas na profile cases sa COVID-19.
Ang naturang inmates ay kasama sa 56 na kaso sa mga nagpositibo sa virus sa lungsod kahapon.
Sa ngayon nagpapatuloy naman ang serbisyo ng naturang police station pero sa labas muna ng kanilang opisina.
Maliban dito, may nagpositibo rin na isang bilanggo mula sa Bula Police Station.
Kung maaalala, nitong mga nakalipas na araw ay nasa 52 preso mula sa city jail sa Lanton, Apopong, nitong lungsod ang nahawaan ng COVID.