-- Advertisements --

VIGAN CITY – Natanggap na ng 17 dating miyembro ng Militia ng Bayan mula sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Ilocos Sur ang tulong- pinansiyal mula sa pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Sa ilalim ng E-CLIP, ang mga dating miyembro ng Militia ng Bayan, Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front of the Philippines at ang kanilang mga pamilya na susuko na sa pamahalaan ay mabibigyan ng livelihood at financial assistance para makapagbagong-buhay.

Ang tulong- pinansiyal na ibinigay sa mga dating rebelde ay isinagawa noong January 27 kasunod ng dalawang araw na Peace-Building Seminar sa pamamagitan ng Philippine Army at ng provincial government sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Ryan Singson.

Higit 120 na miyembro ng Underground Mass Organizations mula sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ang nakibahagi sa nasabing dalawang araw na seminar.