-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nasa 17 crew ng Milagrosa Shipping Line sa Barangay Lapuz, Norte, Iloilo City, ang nagpositibo sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Punong Barangay Ricardo Flores, sinabi nito na nagmula sa Palawan ang nasabing barko at pagdating sa Iloilo City, nagpositibo sa COVID-19 ang kapitan.

Ayon kay Flores, namatay ang kapitan ng barko matapos inatake sa puso nang malaman na nagpositibo ito sa deadly virus.

Ang mga nahawaang crew ay isinasailaim na sa quarantine.