-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Nakapagatala ngayong araw ng 18 panibagong kaso ng COVID 19 sa Isabela na mas mataas kumpara sa 12 kaso kahapon.
Dahil dito umakyat na sa 343 ang kabuuang aktibong kaso ng COVID 19 habang naitala naman ang 22 panibagong recoveries kumpara kahapon na 57.
Nanguna ngayong araw ang Santiago City na may siyam na kaso, sinundan ng Ilagan City na may tatlo, Cauayan City at bayan ng Jones na may tig-dadalawa,Cabatuan at Naguillian na may tig-iisa.
Lima sa mga positibo ang non-apor, 24 ang health worker, 13 ang pulis at 301 ang local transmission.
Dahil sa patuloy na banta ang virus ay patuloy ang paalala ng pamahalaang panlalawigan sa publiko na maging maingat at sundin ang mga protocols upang manatiling ligtas sa virus.