-- Advertisements --

ILOILO CITY – Halos 2,000 Comelec-registered OFWs sa Shanghai, China, umaasang maagang ma-lift ang total lockdown sa lungsod upang maisagawa na ang overseas absentee voting

Hindi pa nakakatiyak ang mga Pinoy sa Shanghai, China kung kailan pa mali-lift ang total lockdown sa lungsod at kung kailan pahihintululan na ituloy na ang overseas absentee voting.

Abril 10 naka-schedule ang pagboto ng 1,991 registered voters sa nasabing lungsod, ngunit sinuspinde ng Commission on Elections (COMELEC) en banc kasunod ng coronavirus outbreak.

Ayon kay Bombo international correspondent Donicia Habiling Moloney direkta sa Shanghai, record-high pa rin ang kaso ng COVID-19 doon kasunod ng isinagawang city wide testing.

Aniya, maghihintay na lamang sila ng susunod na abiso ng Chinese government at ng Comelec.

Napag-alamang isinasagawa ng personal ang overseas absentee voting sa Shanghai, hindi kagaya ng ibang mga bansa na pinahihintulutan ang pagboto via mail.

Manual rin ang vote-counting at hindi automated.