Inanunsiyo ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na nasa halos 2,500 square meters ng kanilang teritoryo ang nabawi mula sa Russia sa panibagong opensiba na nagsimula noong huling bahagi noong nakalipas na buwan.
Ayon pa kay Zelensky, sa loob lamang ng isang linggo nagawang mapalaya ng kanilang mga sundalo ang nasa 776 square kilometers ng kanilang teritoryo sa eastern Ukraine at 29 settlements kabilang anim na lugar sa Lugansk region.
Sa kabuuan, nasa 2,434 square kilometers ng kanilang lupain at 96 settlements ang napalaya mula sa kamay ng Russian forces.
Sa nakalipas na mga araw, mas naging agresibo pa sa opensa ang Ukraine para mabawi ang kanilang mga teritoryo sa northeastern at southern region ng Kharkiv at sa malapit sa kabisera ng Kherson na nasa ilalim ng kontrol ng Russia.
Ito ay kasunod na rin ng pagdeklara ni Russian President Putin na annexation sa apat na rehiyon ng Ukraine kabilang ang Kherson, Zaporizhzhia, Donetsk at Luhansk
Home Top Stories
Halos 2.5-K square kilometers na teritoryo nabawi ng Ukraine mula sa Russian invaders – Zelensky
-- Advertisements --